my poems, my thoughts all here ;]

Pages

Saturday, April 10, 2010

Harapin Mo

6:00 AM Posted by Ren™ No comments
Harapin ang bukas;
wag matakot;
matutong magtimpi.
Labanan ang pagkatakot.
Magkaruon ng tiwala sa sarili.
Nang tuluyan mo nang
malampasan mga hadlang
Na sa kinabukasan mo'y
pilit humaharang.
Matutong tumayo sa sarili mong paa
Nang hindi naa umasa pa sa iba.
Walang mapapala kung patuloy
kang magkukubli sa isang sulok
Pilitin mong makawala sa kadiliman;
sa iyong sariling pagkabusabos.
Buksan mo ang bintana nang kalinawagan;
nang makalaya ang siyang kaluluwang batid.
Huwag magsinungaling sa sarili.
Harapin ang katotohanan.
Buksan ang mga matang may lakas ng loob;
Hanapin mo ang katotohanan na bumabalot
sa kasinungalingan.
Nang maging maliwanag;
ang daang pinapatag.
Magmahal.
Magtiwala.
Maghintay.
Magsaya.
Umasa sa walang hanggang kasiyahan.


-REN. (akin toh) ;)

0 comments:

Post a Comment